25-M trabaho ang nanganganib na mawala kung hahayaang bumagsak ang airline industry dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa International Air Transport Association (IATA), sa ngayon ay halos 3-M manggagawa na ng airline industry sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nawalan ng trabaho dahil sa pagtigil ng operasyon na bunga ng lockdown at travel ban sa iba’t-ibang mga bansa.
Pansamantala rin anilang itinigil na ng airlines ang refund sa mga pasaherong hindi nakapagbiyahe dahil sa kawalan na ng pondo.
Ayon sa IATA, pinakahuling casualty ng COVID-19 pandemic ang Germanwings, isa sa mga airlines sa ilalim ng Lufthansa na nagpahayag na ng pagsasara ng kumpanya.