Handang nang tumanggap ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang pitong quarantine facilities na itinalaga sa Metro Manila, Pampanga at Tarlac.
Kinabibilangan ito ng Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Stadium, Rizal Memorial Sports Complex, Philippine International Convention Center (PICC) at World Trade Center sa Metro Manila, ASEAN Covention Center sa Clark Pampanga at National Government Administrative Center sa New Clark City sa Tarlac.
Anim sa pitong nabanggit na lugar ay naisayos sa loob lamang ng isang linggo sa tulong na rin ng iba’t ibang pribadong kumpanya.