Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na iiral pa rin ang Data Privacy Act sa harap ng plano nila na gawing mandatory ang pagbibigay ng personal information ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ayon kay Nograles, kailangang i-harmonize ang Data Privacy Act at ang batas sa mandatory reporting of notifiable diseases.
Kailangan anyang pag-usapan pa ang guidelines sa pagpapatupad nito kabilang na ang isyu kung dapat isapubliko ang pagkakakilanlan ng pasyente.
Sinabi ni Nograles na ang tanging malinaw sa ngayon ay obligado ang pasyente na sabihin ang lahat ng impormasyon tungkol sa Department of Health (DOH) na maaaring makatulong sa contact tracing at maagapan kung mayroon siyang nahawa.