Pinare-report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko ang mga local official na lumalabag sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista Bumuo na sila ng grievance redress system kung saan maaaring ipaabot ng publiko ang mga makikitang anomalya sa pagbibigay ng cash subsidy sa mga apektado ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni bautista na naka set up na ang nasabing sistema sa operation center ng dswd at operational na 24/7.
Nagkausap na aniya sila ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na kaagad suspendihin ang lokal na opisyal kapag napatunayang lumabag sa batas.
Samantala inihayag ni Bautista na nasa P48-B na ang nai transfer sa Local Government Units at Social Welfare Development Offices habang P800-M naman para sa BARMM.