Papatawan na ng kaukulang parusa at multa ang mga funeral parlor at crematoriums sa Quezon City na tatanggi sa pagtanggap sa mga bangkay ng nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) o maniningil ng malaking halaga.
Ito’y matapos ipasa ng Quezon Ctiy Council ang isang ordinansa na sinertipikahang ‘urgent’ ng Executive Department para sa paglalatag ng mga panuntunan kaugnay sa mga nasasawi dahil sa nasabing sakit.
Sa ilalim ng ordinansa, hindi maaaring idahilan ng mga funeral homes at crematoriums na tinanggihan nila ang mga bangkay ng nasawi dahil sa COVID-19 dahil sa takot na sila ay mahawa ng sakit.
Sa ordinasa ring ito, ipinagbabawal ang pagtataas ng singil ng mga funeral homes at crematoriums ng kanilang service fee.
Layon umano ng ordinansang ito na maprotektahan ang mga naulila ng COVID-19 patients laban sa mga magpasamantalang funeral parlors at crematoriums na inaabuso ang sitwasyon ngayon.