Halos 400-M empleyado ng mga small medium enterprise ang mabibigyan ng cash aid sakaling aprubahan ang panukala ni Cong. Joey Salceda hinggil dito.
Ang mga SME’s ay mga kumpanya na mayroong assets na mula lima hanggang P8-M at nag-e-empleyo ng mula 10 hanggang 100 katao.
Batay sa panukala ni Salceda P2,500 hanggang sa P3,000 ang maibibigay na ayuda sa mga empleyado ng SME’s sa loob ng dalawang buwan.
Ayon kay Salceda, ibabatay ang listahan sa talaan ng SSS upang matiyak na walang malalampasang empleyado.
Sigurado rin anya ang pondo rito dahil umaabot sa mahigit 300-B ang natukoy ng DBM na pwedeng i-re align na pondo.