Mahigit 100 dedicated quarantine control points ang itinalaga ng Philippine National Police (PNP) para sa mga cargo.
Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, commander ng joint task force COVID-19 Shield, layon nito na hindi na makaranas ng delay ang mga biyahero ng produkto lalo na ng pagkain.
Ang mga cargo aniya na magkakaroon ng problema sa checkpoints ay maaaring tumawag sa hotline para sa cargos, na 09262255474.
All throughout the Philippines we have indetified 170 QCP manned by high patrol, the remaining 3,800 class QCP manned by our local police will no longer inspect or flag down cargo vehicle, ang chini-check lang nila ay yung non-cargo vehicle to ensure only authorize person will be traveling,” ani Eleazar.