Desidido si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na buksan ang kanilang molecular lab sa Biyernes.
Ayon kay Teodoro, nakausap na nya ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH) at hiniling niya na kung anuman ang nais nilang ipagawa o ipabago ay sabihin na upang matapos nila hanggang Biyernes.
Sinabi ni Teodoro na bubuksan na sa Biyernes ang molecular lab kahit pa walang basbas ng DOH dahil wala na syang nakikitang dahilan para ipagpaliban pa ito.
Sumunod na anya sila sa lahat ng ibinigay na requirements ng DOH at may laboratory technicians na mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19) experience mula sa Manila Health Tek at UP NIH.
Mga eksperto anya ang nagtayo ng kanilang pasilidad at kung tutuusin, mas maganda pa ito sa pasilidad ng RITM.
Mayroon anya silang dalawang PCR at may kakayahang mag-test ng 400 kada araw.