Matatanggap na ng mga kawani ng Pambansang Pulisya na dineploy sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) ang kanilang hazard pay sa ika-16 ng Abril.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa, P500 hazard pay kada araw ang matatanggap ng mga qualified personnel para makatulong sa financial flexibility nito at ng kani-kanilang pamilya.
Nauna ritong inanunsyo ng pamahalaan na makatatanggap ng P500 hazard pay ang mga empleyado nito mapa-regular, contractual o casual na patuloy na nagrereport sa opisina sa gitna ng pinalawig na ECQ.
Samantala, siniguro rin ni Gamboa na patuloy ang pagpapahalaga nito sa kalusugan at kaligtasan ng mga hanay ng pulisya na nagpapatupad ng ECQ.