Maling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa December 2022.
Ayon ito kay ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo dahil nalantad sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis na kinakaharap ng bansa ang incompetence ng ilang kasalukuyang opisyal.
Sinabi ni Tulfo na dapat maitama ang mga maling ito kaya’t dapat ding isagawa ang eleksyon ng mas maaga o kalagitnaan ng susunod na taon matapos malampasan ng bansa ang COVID-19 crisis.
Torture na aniya sa mga residente ng mga barangay kung saan palpak ang mga opisyal at walang concern na nakita sa kasalukuyang sitwasyon kung sa December 2022 pa ang eleksyon at maaari pang makalimutan nila ang masalimuot na karanasan.