Isinailalim sa lockdown ang Barangay Mangingisda sa Puerto Princesa City sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Ito’y matapos na malaman ng mga awtoridad na pumalaot at nangisda sa Iloilo ang nasa 26 na mangingisda na hindi nag-abiso sa barangay.
Ayon sa Coast Guard ng Iloilo, bagama’t hindi dumaong sa probinsya ang mga mangingisda, dapat pa rin aniyang magpatupad ng safety measures ang barangay para masigurong hindi nadapuan ng COVID-19 ang mga ito.
Dahil dito, umarangkada na ang contact tracing team ng barangay at isinailalim ang nasa 50 pamilya sa home quarantine dahil nakapunta na ang magangingisda sa kani-kanilang mga bahay bago pa naipaalam sa mga awtoridad.
Samantala, magsasagawa rin ng checkpoints sa palibot ng barangay at hindi pahihintulutang makalabas ang mga residente sa lugar.