Nagsisimula na umanong magpakita ng pagbuti ng kondisyon ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient na nasalinan ng blood plasma mula sa mga COVID-19 survivor.
Ito ang inihayag ni Dr. Francisco Lopez, isang hematologist sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City.
Ayon kay Lopez, pito sa mga pasyente na kritikal ang kondisyon sa ospital ang nakatanggap ng blood plasma.
Sa ngayon aniya ay unti- unti silang nakakakita sa mga ito ng pagbuti ng kalagayan gaya ng ipinapakita sa mga chest x-ray ng mga ito gayundin ang pagbaba ng oxygenation requirement.
Gayunman, sinabi ni Lopez na kailangan pa ng malawak na pag-aaral ang nasabing gamutan bago mapatunayan na 100% epektibo ito.