Pasok na ang Gilas Pilipinas sa finals ng FIBA Asia Championship.
Ito ay matapos tambakan kagabi ng Gilas ang kalabang Japan sa iskor na 81-71.
Nanguna sa tagumpay ng Gilas si Jayson Castro na kumana ng 20 puntos habang malaki naman ang naitulong ng mga pinakawalang three points ni Dondon Hontiveros upang lumaki ang kalamangan ng Pilipinas.
Dahil dito, makakaharap ng Gilas sa finals ang wala pang talong koponan ng China.
Sisikapin naman ng Gilas na makuha ang gintong medalya at tuluyang makatuntong sa pinapangarap na Rio Olympics sa susunod na taon.
By Ralph Obina