Anumang araw mula ngayon ay ililipat na sa isolation room ang Pinay nurse sa Jeddah, Saudi Arabia na nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome o MERS-CoV.
Ayon sa Departmemt of Foreign Affairs (DFA), sa ngayon ay binabantayan sa intensive care unit sa Jeddah si Amelito Adel, Welfare Officer ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
Nabatid na nagtrabaho si Adel sa isang ospital kung saan nakapag-alaga ito ng mga pasyenteng may MERS-CoV.
Nasa mabuting kondisyon naman ang Pinay nurse at tinanggal na rin ang respiratory tube na ikinabit dito.
By Meann Tanbio