Hinihikayat ng embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates ang mga OFW doon na magparehistro na para sa 2016 Presidential elections.
Para sa mga Pinoy na nakatira sa Abu Dhabi at sa kanlurang rehiyon ng UAE, hinimok ang mga ito na magpalista lamang mismo sa embahada ng Pilipinas.
Para naman sa mga Pinoy na nasa Dubai, Sharjah, Ajman, Umm Al Quwain, Ras Al Khaimah at Fujairah, inabisuhan ang mga ito na magtungo at magparehistro sa konsulado ng Pilipinas sa Dubai.
Samantala, ipinost naman ni Vice Consul Rowena Daquipil sa Facebook ang 7 pahinang listahan ng mga overseas voters na tinanggal na ng COMELEC dahil sa kabiguang makaboto sa magkasunod na halalan noong 2010 at 2013.
By Meann Tanbio | Allan Francisco