Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni NEDA Secretary General Ernesto Pernia.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, agad na itinalaga ng presidente si Finance Usec. Karl Chua bilang Acting Secretary of NEDA.
Nag-resign si Pernia bunsod ng umano’y pagkakaiba ng pananaw at personal reasons sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.