Inaprubahan na ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang ipinalabas na guidelines ng Department of Health (DOH) kaugnay ng paggamit ng rapid antibody test kits para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, kanyang idedetalye ang nilalaman ng nabanggit na guidelines para sa paggamit ng rapid test sa lunes.
Nakapaloob din aniya rito ang wasto at kung saan dapat maaaring gamitin ang nabanggit na klase ng test kit.
Magugunitang, una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng mga rapid test kit kahit na may ilang mga medical expert ang duda sa bisa nito para matukoy kung positibo ang isang indibiduwal sa COVID-19.
The DOH guidelines for the utilization of rapid anti-body test kits as presented to the IATF and amended are hereby approved. Aprubado ang mga patakaran ng DOH ukol sa paggamit ng rapid anitbody test kit,” ani Nograles.