Nagsasagawa na ng pag-aaral ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang malaman kung maari bang mabigyan ng ayuda ang 155 na mga empleyado ng Boracay Island na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sa ngayon, inaalam na ng DSWD kung hindi pa nabibigyan ng tulong ang mga stranded employee ng isla sa ilalim ng cash subsidy program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Provincial DSWD Officer Rhea Penaflor, na nakahanda ang ahensya na bigyan ng financial assistance ang mga empleyadong hindi kasama sa programa ng labor department.
Kabilang sa mga na-stranded na mga manggagawa, ang 34 na mga on-the-job trainees na mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.