Inanunsyo ni Kapuso Host Drew Arellano na kanyang ipagbibili ang kanyang mga itinatagong mga pre-loved item kungsaan mapupunta aniya sa charity ang kikitain nito.
Sa kanyang instagram account, sinabi nitong napag-isipan niyang ibenta ang mga pre-loved item na nakatabi lamang sa kanyang closet upang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan ngayong humaharap ang bansa at maging ang buong mundo sa COVID-19 pandemic.
Siniguro naman ni Drew na mapupunta sa charity ang 100% kita ng kanyang mga ibebentang pre-loved item.
Sa ngayon, pinag-iisipan na aniya kung anong charitable institution ang kanyang pagbibigyan ng naturang tulong.