Inirekomenda ng isang mambabatas na palakasin ang mga ospital sa bansa sa pamamagitan ng mga natatanggap na financial aid mula sa iba’t ibang institusyon.
Ayon kay House Deputy Speaker Mikee Romero, marami ang magpalalagakang proyekto ng mga tulong pinansyal na natatanggap ng pamahalaan.
Maliban aniya sa pagpapalakas sa mga ospital, maaari rin kunin sa naturang pera ang tulong sa mga micro, small and medium enterprises sector upang makabangon muli pagkatapos ng epektong idinulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinang-ayunan din ni Romero ang pahayag ng Department of Finance na kakailanganin ng bansa ang nasa mahigit P1-trilyon sa buong taong 2020 para sa COVID-19 measures.