Umalis na ng bansa ang Chinese medical experts na nagtungo sa Pilipinas para tumulong sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang dalawang linggong pananatili ng mga eksperto mula sa China para magbigay ng rekomendasyon hinggil sa COVID-19.
Sec @teddyboylocsin sends off the team of Chinese medical experts whose two-week technical visit gave the opportunity for Filipino and Chinese health professionals to share valuable information in the global fight against #COVID19. #DFAinACTION#WeHealAsOne pic.twitter.com/pTl7CUPTZ3
— DFA Philippines (@DFAPHL) April 19, 2020
Nagpahayag naman ng kanilang pasasalamat si DFA secretary Teodoro Locsin Jr. at Health secretary Francisco Duque III sa mga ito sa paghatid nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon.