Gumagana na ang ordinansa ng mga local government units (LGU) sa Metro Manila laban sa diskriminasyon sa mga frontliners ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, lahat ng LGU’s sa Metro Manila ay nakapagpasa na ng ordinansa laban sa diskriminasyon, pananakit at pananakot sa mga frontliners.
Inulit rin ni Nograles ang babala ng National Bureau of Investigation (NBI) na may karampatang parusa ang pagbabanta at diskriminasyon sa mga frontliners.
Pwede nyong i-report sa NBI kung ikaw man ay nakaranas o nakasaksi ng mga ito tumawag o mag-text sa mga sumusunod na numero; para sa Globe subscribers: 09964723056, sa Smart: 09617349450, ang regional number: 09751539146, at landline: 0285240237,” ani Nograles.