Nakatakdang tumanggap ng P5,000 na ayuda ang mga magsasaka mula sa Department of Agriculture (DA).
Ipinabatid ni Agriculture Secretary William Dar na ang one time cash assistance para sa rice farmers na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).
Pumapalo aniya sa halos 600,000 magsasaka sa 34 na lalawigan ang natukoy na beneficiaries ng nasabing cash assistance sa ilalim ng rice competitiveness enhancement fund (RCEF).
Sinabi ni Dar na ang ibang magsasaka naman ay sakop ng social amelioration program ng gobyerno.