Mahigit 55,000 indibidwal ang naisalang na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test simula nang maitala ang unang kumpirmadong kaso ng virus sa bansa noong Enero.
Ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa na kinumpirma ng Department of Health (DOH) noong ika-30 ng Enero ay isang 38-anyos na Chinese national na nagbiyahe sa Wuhan at ito ay naka-recover mula sa nasabing sakit.
Simula noon, Ayon Kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay 17 laboratoryo na sa buong bansa ang nakapagtest ng mahigit 55,000 katao.
Pinakarami aniya ang naisalang sa COVID-19 test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nasa mahigit 34,000.
Mula sa mga nasabing accredited facilities, 40 iba pang institusyon ang kasalukuyang sumasailalim sa laboratory certification process ng DOH.