Nagpahayag ng suporta ang ilang grupo ng mga health professionals kay Department of Health (DOH) secretary Franscisco Duque III sa kabila ng panawagan ng ilang mga senador sa pagbibitiw nito sa pwesto.
Sa solidarity statement na nilagdaan ng ilang mga opisyal ng health professionals, pinababatid nito ang kanilang buong tiwala kay Duque sa paraan ng pagtugon nito sa krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Dagdag pa ng mga ito, walang puwang sa kasalukuyang krisis ang pagpapalit ng opisyal ng kagawaran sa halip mas mainam anila ang pagtutulungan ng bawat isa para mapigil ang pagkalat ng virus.
Kasunod nito, igiiniit din ng grupo na mayroong sariling espesyalista ang DOH na tumatalakay sa sitwasyon ukol sa COVID-19 habang ang desisyon naman ng kalihim ay ang kabuuang resulta ng pagtutulungan ng mga eksperto mula sa gobyerno at pribadong sektor.