Nakipag-ugnayan na si Cavite Governor Jonvic Remulla sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa posibleng pagpapatupad ng mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) sa lalawigan dahil sa mga patuloy na mga paglabag ng mga residente dito.
Sa Facebook post ni Remulla sinabi nitong napipikon na siya dahil tila hindi umuubra sa mga pasaway na residente ang patakaran at pakiusap hinggil sa pagsunod sa mga patakaran ng quarantine.
Ani Remulla, dahil dito ay nais niyang subukang higpitan pa lalo ang pagpapatupad ng lockdown sa tulong ng AFP.
Dagdag pa ni Remulla, hindi niya layong manakit sa kaniyang mga susunod na hakbang kundi nais lamang niya umanong ipatupad ang batas para sa 10% mga pasaway at nang sa ganon naman ay maisalba ang mga nasa 90% ng mga residente na sumusunod naman.