Sinimulan na ang satellite coronavirus disease 2019 (COVID-19) community testing sa Quezon City.
Ibig sabihin nito ay magkakaroon na sariling testing site ang bawat distrito sa nasabing lungsod.
Ito ay para maabot ang target na testing na 1,800 hanggang 2,000 kada linggo.
Gayunman, nilinaw ng lokal na pamahalaan na hindi maaring walk-in o basta na lamang magtutungo ang isang residente sa testing site; anila, kailangan munang makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga barangay at district health offices.