Inilarga na ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City ang mass testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ayon kay Parañaque City Administrator Ding Soriano, uunahing isailalim sa test ang mga health workers, barangay officials, pulis, bumbero at iba pang mga frontliners.
Aniya, rapid antibody test kit ang gagamitin para sa mga asymptomatic na mga frontliners habang ang mga may sintomas naman at nagkaroon ng close contact sa kumpirmadong kaso ay sasailalim sa polyremase chain reaction (PCR) test.
Sinabi ni Soriano, sa mga susunod na araw, isasailalim na rin sa COVID test ang publiko pero prayoridad ang mga kabilang sa vulnerable sector tulad ng senior citizen, mga may dati nang karamdaman, buntis at PWD.
Tiniyak ni Soriano na sasapat ang rapid test kits ng lungsod na umaabot sa 13,000.