Isinasapinal na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbuo sa ReliefAgad app.
Batay sa ika-apat na lingguhang ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso, tinatapos na ng DICT ang proseso para makumpleto ang nabanggit na computer-based application.
Anila, oras na matapos na ang ReliefAgad app, makatutulong ito para sa mabilis na pagmamahagi ng tulong pinansiyal na nasa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Maliban dito, nakikipag-ugnayan din ang Philippine Institute for Development Studies sa mga LGU’s para sa kanilang community based monitoring system data na makatutulong naman sa maayos na pagbuo ng listahan ng mga benepisyaryo ng SAP.