Naglunsad ng tele-consult hotline ang lokal na pamahalaan ng Malabon City.
Sa pamamagitan ng “telekonsulta,” puwedeng idulog sa hotline ang ilang medical matters gaya ng check-up, reseta sa gamot, at iba pang uri ng konsultasyon.
Ayon kay Malabon City Health Office Head Bobby Romero, doktor mismo ang makakausap ng mga tatawag na residente.
Nabatid na pinapadala na lang sa pamamagitan ng viber ang mga reseta ng doktor.
Masaya naman ang mga taga-Malabon dahil na hindi na nila kailangan pang lumabas ng bahay para magtungo sa health center o ospital.