Kasalukuyang naglalayag ang dalawang US warships sa South China Sea, malapit sa pinangyarihan ng standoff sa pagitan ng China at Malaysia.
Ayon kay US Indo-Pacific Command Spokeswoman Nicole Schwegman, naka-deploy ang U.S.S. America amphibious assault ship at ang USS bunker hill sa rehiyon para mapanatili ang ‘freedom of navigation’ at ‘overflight’.
Sinasabing noong nakalipas na linggo ay namataan ang Chinese ship na ‘Haiyang Dizhi 8’ habang nagsasagawa ng research malapit sa exploration vessel ng petronas oil company ng malaysia.
Matatandaang nanawagan sa China ang Amerika na itigil na ang pambu-bully habang nakatutok ang maraming bansa coronavirus pandemic.