Patuloy na umaakyat ang bilang ng mga Pilipinong nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hanggang nitong April 21, nasa 1,084 na ang overseas Pinoys ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 42 bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang, 662 ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang ospital, 269 ang naka-recover na sa virus at 10 ang nadagdag sa death toll na nasa 154 na.
Pinakarami pa ring naitalang confirmed COVID-19-positive na overseas Pinoys sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 270 cases, sumunod ang Europe na may 371 cases, Middle East/Africa na mayroong 156 cases at America na nakapagtala naman ng 278 cases.