Mayroon pa ring ilang lalawigan ang nanatiling coronavirus disease 2019 (COVID-19)-free simula noong naitala ang unang kaso ng sakit sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 26 pang lalawigan sa bansa ang wala pang naitatalang kaso ng COVID-19.
Kinabibilangan ito ng Agusan Del Sur, Apayao, Aurora, Basilan, Batanes, Biliran, Camarines Norte, Davao Occidental, Dinagat Islands, Eastern Samar at Guimaras.
Kasama rin dito ang Ifugao, Kalinga, Masbate, Mountain Province, Quirino, Sarangani, Siquijor, Sorsogon, Southern Leyte, Sulu, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Tawi-Tawi, Zamboanga Del Norte at Zamboanga Sibugay.
Samantala nasa kabuuang 17 namang lalawigan sa bansa ang mayroon nang kaso ng COVID-19.