Gumulong na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa ilang pasyenteng namatay matapos umanong tanggihan ng mga ospital dahil sa krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Unang pinuntahan ng NBI-National Capital Region (NCR) ang pamilya ng nasawing si Josefina Barroz, 57-anyos.
Si Barroz ay tinanggihan umano ng walong ospital kaya’t hindi nakatanggap ng karamptang lunas hanggang sa ito ay namatay na lamang sa loob ng ambulansya.
Pormal na ring naghain ng reklamo ang pamilya ng magsasakang si Ladislao Cabling na tinanggihan din umano ng anim na ospital sa Nueva Ecija hanggang sa bawian na ng buhay.
Gayuman, tiniyak naman ng NBI-NCR na bibigyan nila ng pagkakataong makapagpaliwanag ang mga sangkot na ospital.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may obligasyon ang mga ospital na tanggapin at gamutin ang mga lumalapit na pasyente.