Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang resulta ng isinagawa nilang survey hinggil sa petsang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021.
Ayon sa DepEd, mahigit sa 800,000 ang kanilang natangap na opinyon at suhestyon tungkol sa petsa ng pagbubukas ng klase.
Kabilang sa mga lumulutang na panukala ang pagbubukas ng klase sa Disyembre.
Nauna nang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na pinag-aaralan nilang buksan ang susunod na school year sa Agosto.