Patay ang dalawang bata dahil sa diarrhea outbreak sa Bongo Island sa Parang, Maguindanao.
Ito ay ayon sa Bansamoro Region’s Ministry of Health (MOH) kung saan umabot naman sa 43 ang dinapuan din ng sakit.
Sinabi ni Dr. Amirel usman, head ng MOH Regional Epidemiology Surveillance Unit and Health Emergency Management Services Cluster, ang pagkalat ng diarrhea sa kanilang lugar ay dahil sa kontaminadong tubig.
Ani Usman, sumailalim sa pagsusuri ang tubig mula sa kanilang pinagkukunan at nakitaan nga ito ng E. coli, walong beses na mataas kumpara sa normal.
Mula umano sa edad apat na buwan hanggang 46-taong gulang ang nagkasakit ng diarrhea.