Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang pondo para sa social amelioration program (SAP) sakaling palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Paje, nasa P200-bilyon ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa tulong pinansyal sa low income household.
Sakali aniyang palawigin pa ang ECQ ay tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda at asahan umanong mas magiging mabilis na ito sa susunod na buwan.
Ito aniya ay dahil naranasan na ng pamahalaan ngayong Abril ang pamamahagi at nakita na ang mga paraan na makakatulong para mapabilis ito.