Kumbinsido si Major General Guillermo Eleazar, hepe ng Philippine National Police (PNP) directorial staff, na self-defense ang pagbaril at pagkakapatay ng isang pulis sa dating sundalo sa Quezon City.
Ito, ayon kay Eleazar ay matapos nyang makita ang video ng insidente at ilang dokumento mula sa mga imbestigador.
May binubunot sya sa loob ng kanyang sling. That was the time na ‘judgement call’ po ng pulis natin, na putukan na sya. Not on the head, but on the lower part of his body hoping na it will make him submissive o hindi na maka-putok pa. Sa akin, sa assessment ko ay self-defense itong nangyari,” ani Major General Guillermo Eleazar sa panayam ng DWIZ.
Kumbinsido rin si Eleazar na sinunod ng nakabaril na si Master Sgt. Daniel Florendo Jr. ang tamang proseso sa mga ganung klase ng insidente.
Sinabi ni Eleazar na nagsimula ang insidente nang i-bully di umano ng biktimang si dating Corporal Winston Ragos ang mga police trainees na naka-assign sa lugar kaya’t nagsumbong ang mga ito kay Florendo.
Idinepensa rin ni Eleazar ang dalawang beses na pagbaril ni Florendo kay Ragos.
Agad rin naman anyang isinuko ni Florendo ang kanyang baril sa kanilang commander at isinasailalim na ngayon sa imbestigasyon.