Aprubado na ng World Bank ang 100-milyong dolyar o mahigit P5-bilyon pautang para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) emergency response project ng Pilipinas.
Ang programa na ipatutupad ng Department of Health (DOH) ay inaashang makapagpapalakas sa healthcare delivery system ng bansa sa harap ng lumalaking pangangailangan na dala ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa World Bank, agad nilang inaaksyunan ang lahat ng aplikasyon para sa COVID-19 response upang makatulong sa pagsagip ng buhay.