Pumapalo na sa mahigit 184,000 ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Naitala na sa kabuuan ang mahigit 2.6-M kumpirmadong kaso ng nasabing virus at mula rito ay nasa mahigit 717,000 na ang gumaling.
Nananatili namang ang Estados Unidos ang mayruong pinakamaraming kaso ng sakit na umabot na sa halos 900,000 samantalang ang death toll ay nasa mahigit 47,000 na.