Inirekomenda ng Leaue of Provinces of the Philippines (LPP) ang pag aalis ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mga local government units na mayruong zero coronavirus disease 2019 cases.
Ayon kay Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr., Pangulo ng LPP nalampasan na ng poanahon ng quarantine ang incubation period ng virus na dalawang linggo.
Sinabi ni Velasco na matagal na ang incubation period na halos apat napung araw na subalit wala naman silang nakikitang infected sa kanilang lalawigan.
Binigyang diin ni Velasco na ang mga island provinces tulad ng Marinduque at Romblon ay dapat hindi masakop ng ECQ dahil isolated naman ang mga lugar na ito.
Maaari aniyang palawigin ang ECQ sa National Capital Region o Metro Manila at iba pang lugar na nakapagtala ng maraming positive cases.