Suspendido ang mga nakatakdang malakihang prayer meeting o sama-samang pagdarasal sa mga prayer room o mosque sa buong bansa sa pagdiriwang ng Ramadan.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos aniyang maglabas ng memorandum order ang National Commission on Muslim Filipinos na nagsususpinde nito dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa halip ay hinikayat ng Department of Health (DOH) na magdasal ang mga kapatid na Muslim sa kani-kaniyag tahanan habang nananatili sa loob ng bahay sa buong panahon ng pag-iral ng Ramadan at enhanced community quarantine (ECQ).
Ngayong araw, ika-24 ng Abril, opisyal na nagsimula ang isang buwang fasting ng mga Muslim.