Muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon hanggang Mayo 15 sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa televised briefing, inihayag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang desisyon ng Pangulo, aniya tinanggap nito ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na palawigin pang muli ang ECQ sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga nadapuan ng virus.
Sakop ng 15 araw na ECQ extension ay ang mga sumusunod na lugar:
- National Capital Region (NCR)
- Region III (Central Luzon) – Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga
- Region IV-A (CALABARZON)
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro
- Albay
- Catanduanes
- Benguet
Gayundin ang Pangasinan, Tarlac at Zambales pero muling sasailalim sa review at maaring mabago pagsapit ng Abril 30.
Magpapatupad na rin ng ECQ sa iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao hanggang sa Mayo 15. Habang ang Antique, Iloilo, Cebu, Cebu City, Aklan at Capiz ay sasailalim pa sa re-checking.
Samantala, ikinukunsidera ring high-risk ang Davao Del Norte at Davao City kung kaya’t mananatili ang ECQ doon habang ang Davao De Oro ay mananatili pa rin sa ilalim ng ECQ pero muling sasailaim sa re-checking.