Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagsasailalim sa pagsusuri para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ng nasa 1,000 residente sa Sampaloc.
Kasunod na rin ito ng pagpapatupad na 48-hour hard lockdown sa distrito dahil sa natailang mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Ospital ng Sampaloc Director Aileen Lacsamana, uunahing isailalim sa testing ang mga barangay officials at mga residenteng nagkaroon ng close contact sa mga una nang nagpositibo sa virus.
Sinabi ni Lacsamana, ngayong araw isinalang sa test ang unang batch ng mahigit 400 mga residente mula sa limang barangay habang natakda naman bukas ang testing para sa nalalabing 500 residente mula sa limang iba pang barangay.
Dagdag ni Lacsamana, sasailalim pa sa confirmatory screening ang mga magpopositibo sa testing para mai-assess kung kinakailangan nang dalhin sa quarantine facility sa Delpan.