Sisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trial sa pag-inom ng virgin coconut oil (VCO) ng mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos na aprubahan ng ethics committee ng Food and Drug Adminstration (FDA) ang clinical trial para sa paggamit ng VCO.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, layunin ng kanilang clinical trial ang makita kung naging mas mabilis ang pagrekober ng mga coronairus disease 2019 (COVID-19patients dahil sa pag-inom ng VCO.
Sinabi ni dela peña, unang sasabak sa clinical trial sa vco ang mga pasyente ng COVID-19 sa Philippine General Hospital sa Manila at Santa Rosa Community Hospital sa Laguna.
Tiniyak naman ng kalihim na kukuha pa rin sila ng consent sa mga pasyente bago isalang sa clinical trial.