Hindi maaaring magdeklara ng sariling lockdown ang mga local government units (LGU)’s sa kanilang nasasakupang lugar.
Ito ang nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kasunod ng pagdedeklara na ng gcq o general community quarantine sa ilang lalawigan sa bansa.
Ayon kay Año, kinakailangang aprubahan muna ng inter-agency task force ang pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ ) sa isang lugar bago ito ideklara ng LGU.
Babala pa ni Año, hindi makatatanggap ng pinansiyal na ayuda sa pamamagitan ng social amelioration program (SAP) ang lokal na pamahalaan na magpapatupad ng ECQ nang hindi inaaprubahan ng IATF.