Pineste ng mga green, white at brown hoppers ang palayan sa 27 barangay sa bayan ng Sto. Domingo sa Ilocos Sur.
Dahil dito, nangangamba ang mga magsasaka sa posibleng tuluyang pagkasira ng kanilang mga tanim at wala nang mapakinabangan kapag anihan na.
Sinabi ni Municipal Agriculture Officer Mamerto Tacbas na sinisipsip ng mga peste ang laman ng palay hanggang pumula ito at mawala ang bigas nito.
Nag-aalala rin ang mga kalapit na barangay na posibleng madamay ang kanilang palayan sa pag atake ng mga naturang peste.
Inaalam pa kung gaano kalawak ang napinsalang palayan.
By Judith Larino