Ayaw pangunahan ng Malacañang ang imbestigasyon sa performance ng sexy dancers sa isang event ng Liberal Party sa Laguna.
Sinabi ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte at mas mabuting hintayin na lamang ang resulta ng nasabing imbestigasyon.
Wala rin aniyang masabi sa usapin ang Pangulong Noynoy Aquino na siyang tumatayong Chairman ng LP, bagamat tinitiyak nitong hindi niya kinukunsinti ang aniya’y ganitong pananamantala at pambabastos sa mga kababaihan.
By Judith Larino