Negatibo ang nakikitang economic growth ni Congressman Joey Salceda para sa bansa ngayong taon.
Batay sa kanyang pagtaya, posible anyang magrehistro ang -1.8% ang economic growth ngayong taon.
Posible rin anyang abutin ng taon, bago tuluyang maging normal ang employment level at maging ang turismo sa bansa na pangunahing naapektuhan ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Salceda na maaaring maibalik sa normal ang employment level sa susunod na tatlong taon at dalawang taon naman para sa turismo.
Nasa $5-bilyon din anya ang nakikita nyang mawawala sa dollar remittances dahil sa posibleng umabot sa 420,000 ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng bansa ngayong taon.