Umaabot na sa P80-B pondo para sa social amelioration program (SAP) ang nai-transfer na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 1,500 mga LGU’s.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, katumbas ito ng mahigit 97% ng pondo na kanila nang naibigay sa mga LGU’s sa buong bansa.
Habang nasa P37-B naman aniya ang naipamahagi na ng mga LGU’s sa mahigit 7.3-M benepisyaryo ng SAP.
Samantala, tiniyak din ni Bautista na patuloy pa ring makatatanggap ng ayuda ang mga mahihirap na pamilyang benepisyaryo ng SAP hanggang sa Mayo.
Paliwanag ng kalihim, alinsunod sa isinasaad ng Bayanihan To Heal As One Act, mananatiling benepisyaryo ng SAP para sa buwan ng Mayo ang mga nakatanggap na ng ayuda sa first tranche noong Abril.
Gayunman, nakadepende aniya ang pamamahagi nito kung nakapagsumite na ng liquidation report para buwan ng Abril ang mga lokal na pamahalaan.
Nais naman ipaalam na ang Inter Agency technical working group on social amelioration program ay nag-uusap ngayon para gumawa ng proposal para sa ating IATF on emerging infectious disease para sa implementasyon ng SAP base sa pronouncement ng ating Pangulo, ng Abril 4, ito ang magiging basehan namin sa paggawa ng guidelines para sa implementasyon ng SAP for the 2nd tranche,” ani Bautista.